^

Bansa

Rep. Tulfo lumawak lamang sa senatorial survey ng Tangere

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas lumawak pa ang lamang ni ACT-CIS party­list Rep. Erwin Tulfo sa kanyang mga katunggali sa darating na 2025 midterm elections.

Sa  pinakahuling survey na ipinalabas ng market research firm na Tangere nitong Setyembre 9-13, nakakuha si Rep. Tulfo ng 58 porsyento ng voter preference, o mas mataas sa kanyang 56.29% nitong Agosto.

Ayon sa Tangere, nakakuha ang mambabatas na score na “very high” sa lahat ng lugar sa bansa, lahat ng age groups at lahat ng socio-economic classes.

Nasa malayong ikalawang pwesto si dating Pres. Rodrigo Duterte (49%), kasunod si Sen. Pia Cayetano (46.5%), Sen. Bong Go na pang-apat (44.5%) at dating Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III, (44%) na panglima.

Ang kapatid ni Rep. Tulfo na si Ben Tulfo ay ika-anim (42.96%), sinundan ni dating Sen. Manny Pacquiao (41.63%), Makati Mayor Abby Binay (36.91%), DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., 34 porsyento.

Nasa ika-10 si Sen. Lito Lapid (33.67%) at Sen. Francis Tolentino ay nasa ika-11, 32.5 porsyento.

Pumasok sa magic 12 si Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta na nakakuha ng 31 percent.

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile-based respondent application na may sample size na 2,400 participants mula sa National Capital Region, Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

ACT-CIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with