MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang napaulat na P1 bilyong suhol na inalok umano nang nadismis na Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa isang negosyanteng Filipino-Chinese para matulungan siya sa mga legal na problemang kinasasangkutan sa bansa, ayon kay Secretary Jesus Crispin Remulla.
Kaugnay ito sa pagbubunyag ni dating senador Panfilo Lacson na ang kaibigan niya na may kontak sa First Family ay nilapitan umano ni Guo bago pa siya lumabas ng bansa.
“We are waiting for the result of the investigations being done on her background. We are already pursuing what senator
Lacson said. We’re aware that there’s more to it than meets the eye,” ani Remulla.
Naniniwala si Remulla na hindi ordinary, kundi isang “extremely talented” si Guo sa pagsasabing :“Her game runs deep. Her game is very sophisticated.”
Aniya, posibleng may bilyun-bilyong piso na ang pinagagalaw para maisalba si Guo sa mga kinasasangkutang mga kaso.
Nitong Biyernes, inaprubahan na ng DOJ prosecutors ang pagsusulong sa korte ng kasong qualified human trafficking na inihain ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban kay Guo at iba pa.