MANILA, Philippines — Binara ni Senador Risa Hontiveros ang kahilingan ni Kongdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na ilagay siya sa hospital arrest sa Davao City.
Giit ni Hontiveros, seryosong mga krimen ang kinakaharap ni Quiboloy tulad ng human trafficking, rape, at child abuse kaya dapat pantay ang trato sa mga akusado anuman ang kanilang katayuan o koneksyon sa buhay.
Wala rin dapat special treatment kay Quiboloy dahil ang kahilingan nito na hospital arrest sa Davao ay wala sa lugar. Nauna nang sinabi ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo na humiling sa Pasig City Regional trial Court (RTC) branch 159 ang kampo ni Quiboloy at isa pang kapwa akusado nito na si Ingrid Canada ng hospital arrest sa Davao.
Iginiit ng senadora na hindi dapat mamili si Quiboloy kung saan siya ikukulong dahil wala na siya sa loob ng “King Dome” kaya hindi na rin siya dapat mag-astang diyos.