MANILA, Philippines — Nakakuha ng “very good” rating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtulong sa mga nangangailangan laluna yaong mga nabiktima ng kalamidad, batay sa latest survey ng SWS.
Bukod dito, “very good” rating din ang nakuha ng Chief Executive sa ginawang pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon ng mga kabataan at mahihirap na mamamayan.
Sa SWS survey na ginawa nitong Hunyo 23 hanggang July 1, lumabas na 62 percent ng matatandang Pilipino ang nagsabing satisfied sila sa pamahalaang Marcos habang 22% ang dissatisfied at 15% undecided.
Ang survey ay nagpapakita ng double-digit increase na +40 para sa satisfaction ratings sa pamahalaan dulot na rin ng pinahusay na pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan at pagpapaangat sa serbisyo sa publiko.
Ang satisfaction rating ni Pangulong Marcos ay nagpapakita ng improvement mula sa kanyang moderate” rating noong Marso ngayong taon.
Nakopo rin ng Pangulo ang “good” rating dahil sa mga programang pabahay, pagpapaunlad sa teknolohiya at siensya, paglikha ng mga polisiya para makalikha ng trabaho at maayos na sistema ng transportasyon at pagtiyak sa food security.
Moderate rating naman ang nakuha ni Marcos sa kanyang pagtugon sa mga problema dulot ng climate change, paglaban para sa kasarinlan ng Pilipinas hinggil sa West Philippine Sea, at pagtiyak na walang magugutom na mamamayan.
Neutral rating naman sa paglaban sa krimen at pagtiyak na hindi magsasamantala ang mga kumpanya ng langis sa presyuhan ng petrolyo.
Ang net satisfaction rating ni Pangulong Marcos ay nagpapakita ng improvement sa lahat ng rehiyon, pinaka mataas sa Metro Manila, sumunod sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang survey ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults sa buong bansa.