^

Bansa

5 volcanic quakes naitala sa Kanlaon, AFP umalerto na

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Bulkang Kanlaon sa Negros ng limang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras na pagsubaybay sa bulkan.

Bukod dito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nagtala rin ang naturang bulkan ng 10, 880 tonelada ng asupre at namonitor ang pamamaga ng bulkan.

Dulot nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs na pumasok ang sinuman sa loob ng 4 km radius Permanent Danger Zone (PDZ) at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot nang inaasahang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions sa bulkan.

Ang Kanlaon ay patuloy na nasa ilalim ng alert level 2 na nangangahulugang may abnormal na aktibidad na nagaganap sa loob ng naturang bulkan.Bunsod nito, umalerto na ang tropa ng Armed Forces of the Philippines-Visayas Command (AFP-VISCOM)  kaugnay ng patuloy na pag-aalburuto at banta ng panganib ng Kanlaon volcano sa Western Visayas.

Tiniyak ni AFP-VISCOM Chief Lt. Gen. Fernando Reyeg, commander ng AFP-VISCOM na handa silang magdeploy ng Disaster Response Task Group (DRTG) upang suportahan ang lokal na ahensiya ng pamahalaan.

Nasa 34 Disaster Response Task Units (DRTUs) mula sa Army’s 303rd Infantry Brigade ng Joint Task Force Spear ng Philippine Army ang isinailalim sa standby alert na may mga dalang disaster response tools, mobility at communication assets.

KANLAON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with