MANILA, Philippines — Sa kabila ng walang humpay na black propaganda, ang pagsisikap at matapat na pamamahala ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ay nagbunga makaraang sumirit ang satisfaction ratings ng kanyang administrasyon ng double-digits sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nagpahayag ng kumpiyansa si National Unity Party (NUP) President at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte na ito ang bunga ng “hard work, high road and honest governance” ng Pangulo.
Ayon sa SWS, ang pagtaas ng satisfaction ratings ng Pangulo ay dahil sa pagsisikap ng kanyang administrasyon na tulungan ang mga biktima ng mga kalamidad, pagbutihin ang kalidad ng edukasyon ng mga bata, at tulungan ang less fortunate individuals.
“It did it not happen overnight, this increase was not a product of a single leap, but of persistence, like a podium built brick by brick, each a government program well received by the people because it helped them tremendously,” wika ni Rep. Villafuerte.
Binatikos din ng NUP president ang tinatawag niyang “walang humpay na black propaganda” laban sa Pangulo habang idinepensa niya ang agenda ng administrasyon na iangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.
“That this was achieved amidst unrelenting black propaganda and baseless personal attacks against the President only proves that lies are ineffective against the people’s real feelings that their lives have been made better by a government that truly cares for them,” sabi ni Rep. Villafuerte.
Lumitaw sa SWS survey mula June 23 hanggang July 1 na 62% ng mga Pilipino ang nasisiyahan sa administrasyon ni Presidente Marcos, 22% ang hindi nasisiyahan, at 15% ang undecided.
Ang satisfaction ratings ni Presidente Marcos ay tumaas ng double-digits sa “good” (+40) dahil sa paghusay sa government services, tumaas mula “moderate” noong Marso.