^

Bansa

Bday wish ni Pangulong Marcos: Maramdaman ng magsasaka mga programa ng gobyerno

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bday wish ni Pangulong Marcos: Maramdaman ng magsasaka mga programa ng gobyerno
Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa Laundhing ng Agri Puhunan at Pantawid program sa Nueva Ecija.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maramdaman pa ng maraming mga magsasaka ang lahat ng programa na ginagawa ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa Laundhing ng Agri Puhunan at Pantawid program sa Nueva Ecija.

“Birthday wish marami ito na talagang lahat ng bawat magsasaka sa Pilipinas maramdaman itong programa ito at lahat ng programa na ginagawa ng DA”, pahayag ng pangulo sa kanyang pagdiriwang ng ika-67 kaarawan kahapon, Setyembre 13.

Ayon pa sa punong ehekutibo lahat ng kanilang ginagawa ay sa tulong na rin ng Development Bank of the Philippines (DBP), lahat ng financing institution, at buong sistem ng Department of Agriculture o DA.

Para na rin aniya mapaganda ang sektor ng agrikultura at at para mapangad ang buhay ng bawat magsasaka, kanilang mga pamilya at bawat Filipino.

Samantala, binati rin ni First Lady Liza Marcos ang Pangulo sa kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga anak na sina Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, Joseph Simon at William Vincent.

“Happy 67th birthday to the sweetest and kindest soul I’ve ever known. I’m so proud of everything you’ve accomplished, and through it all, you’ve remained the same tender-hearted, compassionate person who first captured my heart,” ayon pa sa social media post ng Unang Ginang.

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with