MANILA, Philippines — Tumanggap ng iba’t ibang livelihood re-starter kits ang mga mangingisda ng Toledo, Cebu mula sa Therma Visayas, Inc. (TVI), isang subsidiary ng Aboitiz Power Corporation sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng naturang bayan upang makabangon mula sa pinsala sa kanilang kabuhayan ng nagdaang kalamidad.
Ang livelihood re-starter kits na kabibilangan ng 6 units ng motorized boats at bagong mga fishing nets at oars ay naipagkaloob sa mga local association at kooperatiba ng mga mangingisda ng barangay Pinamungahan sa Toledo.
Bukod sa mga gamit pangisda, nagkaloob din ng pagsasanay ang TVI sa mga mangingisda doon upang mapalawak ang kaalaman sa fishing method at tuloy magkaroon ng magandang kita mula sa kanilang hanapbuhay.
Plano ding maglagay ang TVI ng artificial reefs sa karagatan doon upang maingatan ang mga isda at mamantina ang eco-balance sa dalampasigan.
Habang hindi pa ito aprubado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagkaloob ang TVI ng dalawang units ng “payaw” o floating fish egg at small fish nurseries.
“During Typhoon Odette, our immediate response was to provide relief operations to our host communities, to help them start up after the typhoon,” sabi ni Nova Cruz, Reputation and Stakeholder Management Operations Specialist ng TVI.
Nagkaloob din ang kompanya ng scholarships grants sa anak ng mga mangingisda upang magkaroon ng access sa edukasyon.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang samahan ng mga mangingisda sa lugar sa ginawang tulong sa kanila ng TVI.