^

Bansa

Mangingisda ng Cebu nabiyayaan ng livelihood re-starter kits ng TVI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumanggap ng iba’t ibang livelihood re-starter kits ang mga mangingisda ng Toledo, Cebu mula sa Therma Visayas, Inc. (TVI), isang subsidiary ng Aboitiz Power Corporation sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng naturang bayan upang makabangon mula sa pinsala sa kanilang kabuhayan ng nagdaang kalamidad.

Ang livelihood re-starter kits na kabibilangan ng 6 units ng motorized boats at bagong mga fishing nets at oars ay naipagkaloob sa mga local association at kooperatiba ng mga ma­ngingisda ng barangay Pinamungahan sa Toledo.

Bukod sa mga gamit pangisda, nagkaloob din ng pagsasanay ang TVI sa mga mangingisda doon upang mapalawak ang kaalaman sa fishing ­method at tuloy magkaroon ng magandang kita mula sa kanilang hanapbuhay.

Plano ding maglagay  ang TVI ng artificial reefs sa karagatan doon upang maingatan ang mga isda at mamantina ang eco-balance sa dalampasigan.

Habang hindi pa ito aprubado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagkaloob ang TVI ng dalawang units ng “payaw” o floating fish egg at small fish nurseries.

“During Typhoon Odette, our immediate response was to provide relief operations to our host communities, to help them start up after the typhoon,” sabi ni Nova Cruz, Reputation and Stakeholder Management Operations Specialist ng TVI.

Nagkaloob din ang kompanya ng scholarships grants sa anak ng mga ma­ngingisda upang magkaroon ng access sa edukasyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang samahan ng mga mangingisda sa lugar sa ginawang tulong sa kanila ng TVI.

BFAR

TVI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with