^

Bansa

Sandoval, nangu­nguna sa survey para Kongresista ng Malabon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Si Ricky Sandoval, dating kinatawan ng Malabon, ang nangunguna sa pinakabagong survey para sa darating na 2025 congressional elections.

Ayon sa ‘Boses ng Bayan’ program ng RPMD Foundation Inc., nakuha ni Sandoval ang 32.7% boto, habang pumapangalawa si dating Mayor Lenlen Oreta na may 17.5%. Si Vice Mayor Bernard Dela Cruz ay nasa 15.2%, at si dating An Waray representative Bem Noel ay may 10.4%.

Sa kabila ng stiff competition, nagpapasalamat si Sandoval sa suporta ng mga Malabueño. “Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa amin ni Mayor Jeannie. Asahan ninyo na hindi namin kayo bibiguin—mas marami pa tayong magagawa at maisasakatuparan para sa Malabon at sa ating mga kababayan,” sabi niya.

Habang patuloy ang pag-angat ni Sandoval, mayroon pa ring 24.2% ng mga botante ang undecided, na maa­ring makapagpabago ng dynamics ng laban. Kaya naman, mahalaga ang mga susunod na hakbang ng bawat kandidato.

Ang survey ay isinagawa mula Hulyo 1 hanggang 10, 2024 sa 1,200 respondents mula sa iba’t ibang barangay ng Malabon. May margin of error itong ±3%, kaya’t reliable ang mga resulta.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with