Marcos ‘di dadalo sa UNGA
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malakanyang na hindi makakadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez na sa halip na ang Pangulo, si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang magiging kinatawan sa UNGA.
Paliwanag ni Chavez, dito ilalahad ni Manalo ang tugon ng bansa sa mga pandaigdigang hamon na pinaniniwalaang dapat maresolba sa ilalim ng “framework of peace and cooperation “ na nakasaad sa UN Charter.
Ang UNGA ay magaganap sa UN Headquarters sa New York mula September 22-23 ngayong taon at inaasahang dadaluhan ng iba’t ibang heads of states.
Sinabi naman ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe”Romualdez na nagdesisyon si Pangulong Marcos na limitahan ang kanyang international trips hanggang katapusan ng taon.
Noong 2023, si Manalo rin ang nag-represent kay Pangulong Marcos sa nasabing pagtitipon.
Ang Pilipinas ang isa sa 20 bansa na nagnanais na makipag-usap sa China sa sidelines ng UNGA para maresolba ang isyu sa mga pinag-aagawang teritoryo.
- Latest