^

Bansa

Pagbibitiw ni Sec. Teodoro, fake news! — Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagbibitiw ni Sec. Teodoro, fake news! â Marcos
Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. on June 16, 2023
STAR / Mong Pintolo

MANILA, Philippines — “Fake,fake, fake, fake ,fake , fake news”.

Ito ang paulit-ulit na sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos kumalat ang balitang nagbitiw sa pwesto si Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Sa isang ambush interview, sinabi ng Pangulo na ang mga nagpapakalat ng balita na nagbitiw sa pwesto si Teodoro ay mga desperado at nag-iimbento  ng istorya para gumawa ng gulo.

“Wala naman silang naibibigay, wala silang naitutulong, wala silang kontribusyon sa buhay ng bawat Filipino kundi paninira lamang, kundi panggugulo lamang,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Ang mas mabuti aniya ay huwag na lamang itong pansinin, maging maingat at huwag na lamang maniwala kung wala namang pruweba sa kanilang mga sinasabi.

Dagdag pa ng Presidente, natatawa na lamang sila, dahil agad niyang tinawagan ng umaga si Teodoro at tinanong kung magre-resign at sagot ng kalihim ay kung pinapaalis na ba siya ni Marcos.

Sagot naman aniya ni Marcos bakit kita paaalisin wala naman tayong problema, subalit sabi ni Teodoro ay huwag lang pansinin.

Ayon pa kay Marcos, kailangang sagutin ang mga kumakalat na fake news at ipaliwanag sa taumbayan na ang mga ganitong kumakalat na tsismis, mga “marites” ay kinakalat para lang manggulo.

Kaya paalala pa ni Pangulong Marcos sa publiko, kung mayroong magbabago sa Gabinete o sa pamahalaan ay sila mismo ang mag-aanunsiyo at kung hindi sinu-sino ang magpo-post sa social media.

“Sa kasalukuyan, ngayong araw na ito, walang pagbabago, ‘yun lang. Thank you,” pagtatapos ng Pangulo.

GILBERT TEODORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with