^

Bansa

‘Backdoor’ ng Pinas ginagamit sa human trafficking

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isiniwalat ni Senator Raffy Tulfo na ginagamit umano ang “backdoor” ng bansa ng mga illegal recruiter at human traffickers para ihatid ang mga Pilipino na pinangakuan ng trabaho sa ibang ­bansa.

Sa isang privilege speech, sinabi ni Tulfo na maaaring ito rin ang rutang ginamit ni Alice Guo at ng kanyang mga kasama para makatakas sa Pilipinas.

Ayon sa senador, ang mga OFWs ay naaakit ng mga illegal recruiter na magtrabaho sa Europe kapalit ng P400,000 placement fee.

Isang grupo ng mga OFWs ang lumapit sa kanyang opisina at bo­luntaryong nagkuwento kung paano sila iligal na na-recruit at naakit sa ganitong human trafficking scheme sa pamamagitan ng backdoor pass mula sa Pilipinas patungong Malaysia, Thailand, at kalaunan ay sa  Europa.

“Nagsimula ang kanilang paglalakbay noong August 6. Lumipad sila ng commercial flight mula Manila papuntang Zamboanga. Noong August 7, lumipad naman sila mula Zamboanga papuntang Tawi-Tawi,” ani Tulfo.

“Noong August 8 ng madaling araw, pinagpatuloy ang paglakbay sakay ng bangka. Dito hinipuan sa maseselang bahagi ng katawan ang isa sa mga babaeng OFW nung kanilang bangkero,” dagdag ni Tulfo.

Dahil sa takot na itapon sa dagat, sinabi ni Tulfo na hindi na nanlaban ang OFW habang hina-harass.

Nakarating din aniya ang grupo ng mga OFW sa Sabah noong gabi ng Agosto 8. Mula doon, lumipat sila sa Kuala Lumpur, Malaysia pagkatapos ay tumungo sa Thailand.

“Tinawagan nila ang kanilang recruiter. Kung ano anong dahilan ang sinabi sa kanila at sinubukan silang hingan pa ng pera para maayos pa raw ang problema…Kinalaunan, tumawag na ang grupo sa mga pamilya nila dahil binabantaan na sila ng kanilang recruiter na kung hindi sila magbibigay ng karagdagang pera, magkakaproblema sila dahil may droga ang kanilang mga iniwan na bagahe.”

Ang insidente ay ini-report sa opisina ni Tulfo at sa Department of Migrant Workers kaya nailigtas ang mga OFW.

 

 

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with