AI gagamitin na ng PAGASA sa taya ng panahon
MANILA, Philippines — Gagamit na ang PAGASA ng artificial intelligence (AI) sa pagbibigay ng taya ng panahon sa bansa.
Ito ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr. ay upang higit na mapabilis ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko sa taya ng panahon na sa ngayon ay halos tatlong oras, pero oras na gamitin na ang teknolohiya ay maaaring tuwing 15 minuto ay maisasapubliko agad ang weather forecast.
Malaki rin anya ang maitutulong ng AI sa pagbibigay ng taya ng panahon sa susunod na 14 na araw kaysa sa kasaluyang hanggang limang araw lamang.
Sinabi rin ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na ang ahensiya ay may 11 na lamang na doppler radar ang gumagana buhat sa dating 19 radars dahil karamihan ay nasira na at dapat nang palitan.
Anya, kailangan ng PAGASA ng 21 doppler radars upang magamit sa pagkilatis ng pag-ulan sa buong bansa upang mabigyang impormasyon ang mamamayan mula sa epekto nito at dapat paghandaan.
- Latest