^

Bansa

Iba pang mga biktima ni Quiboloy lulutang — PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan na ang ­paglutang ng iba pang biktima ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police Spokesperson PCol. Jean Farjardo kaugnay ng pagpapatuloy sa imbestigasyon ng kasong pang-aabuso ni Quiboloy.

Ayon kay Fajardo, sa loob ng higit dalawang linggong operasyon sa paghahain ng warrant of arrest laban kay Quiboloy, maraming biktima ang lumapit sa kanila upang ibunyag ang pang-aabuso ni Quiboloy.

Sa katunayan, mismong ang mga magulang ng mga biktima ang lumapit sa mga awtoridad para isuplong ang mga pang-aabusong dinanas ng kanilang mga anak sa kamay ni Quiboloy.

Tumanggi naman si Fajardo na magbigay ng mga karagdagang detalye ukol dito at kung ilan ang mga complainant.

Tiniyak ni Fajardo ang sapat na seguridad sa mga biktima.

Sa ngayon ay kasalukuyan ng isinasailalim ng pulisya sa kaukulang dokumentasyon upang maisampa na ang panibagong kaso sa korte.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with