^

Bansa

Bong Go kay Guo: Sabihin mo na ang totoo!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pampublikong pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality na magsalita na at sabihin lamang ang mga katotohanan.

Ginanap ang pagdinig upang imbestigahan ang tunay na pagkatao o citizenship ni Guo, sa pagkakasangkot sa mga iligal na aktibidad at sa pagtatangkang takasan ang batas sa bansa.

“We are here today to find out the truth,” sabi ni Go na iginigiit kay Guo na makipagtulungan nang lubos sa Senado.

“Tandaan natin na ang katotohanan lang ang kakampi at poprotekta sayo, Ms. Alice Guo. Huwag mong sayangin ‘yung oportunidad na ibinibigay sayo namin dito sa Senado. Just tell the truth. ‘Yung totoo lamang po.”

Nagpahayag si Go ng pagkabahala sa pag-iwas ni Guo dahil na rin sa pagkalat ng iba’t ibang tsismis at mga teorya ng pagsasabwatan.

“Dahil sa pagiging evasive mo, ‘yung mga nakaraan hanggang ngayon, kung anu-ano na pong mga insinuations, haka-haka, tsismis, at conspiracy theories ang kumakalat. Marami na pong nadadamay na mga inosente,” ani Go.

Nilinaw ni Go na ang kanyang layunin ay hanapin ang katotohanan lalo na sa gitna ng maraming legal na kaso at isyu na konektado kay Guo.

Hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), muling iginiit ni Go ang kanyang matinding pagtutol dito lalo’t nakompromiso na ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with