^

Bansa

Quiboloy, 4 pa mananatili sa PNP Custodial Center

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Quiboloy, 4 pa mananatili sa PNP Custodial Center
Apollo Quiboloy (3rd R), Philippine pastor and founder of the Philippines-based Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church, and co-accused (in orange) are presented to members of the media during a press conference presided by Philippines' Secretary of Interior Benjamin Abalos Jr. (L) inside the national police headquarters in Manila on September 9, 2024.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Mananatili sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at apat pang kasamahan nito sa kabila ng utos ng korte na ilipat sa Quezon City Jail ang mga akusado.

Inihayag ito ni Philip­pine National Police spokesperson PCol. Jean Fajardo matapos iutos din ng korte sa Pasig na manatili si Quiboloy at ang iba pa sa PNP Custodial Center.

“Meron din pong inilabas na order po ang RTC Pasig directing the PNP to retain the custody nitong mga nasabing indibiduwal dahil ‘yung kaso po nila sa Pasig po ay non-bailable po,” ani Fajardo.

Binigyan diin ni Fajardo na hindi nila maaaring isugal ang paglilipat ng custody kay Quiboloy at sa apat na iba pa sa posibilidad na magpiyansa ang mga ito at mawalan ng kontrol ang PNP.

“So we don’t want to run the risk na ilipat po sila doon po sa QC tapos po mag-bail po sila. Wala na pong kontrol ang PNP doon. We just have to really harmonize po itong mga court order na ito,” aniya pa.

Nahaharap sa kasong qualified human trafficking sa Pasig Regional Trial Court Branch 159 sina Quiboloy. Non-bailable ang nasabing kaso sa ilalim ng Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking of Persons Act of 2003.

Una rito ay tiniyak ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera na handa na ang QC Jail sa pagdating ni Quiboloy at iba pang kasamahan nito.

Kasunod ito ng inilabas na kautusan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 106 Presiding Judge Noel L. Parel na ilipat sa QC Jail sa Payatas Road sina Quiboloy at Cresente Cana­da New Quezon City Jail habang sa Quezon City Jail - Female Dormitory sa Camp Karingal naman sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada at Sylvia Cemanes.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with