^

Bansa

Tulfo napikon sa pagngisi ng DOTr Usec

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tulfo napikon sa pagngisi ng DOTr Usec
Senator Raffy Tulfo
Senate of the Philippines

MANILA, Philippines — Hindi pinalampas ni Senador Raffy Tulfo ang mistulang pagbalewala ng isang undersecretary ng Department of Transportation (DOTr) na ngumingisi habang iniisa-isa niya ang mga kapalpakan ng ahensiya.

Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng DOTr, napuna ni Tulfo na tumatawa si Usec Reinier Paul Yebra kaya tinanong niya ito kung nakakatawa ba ang kanyang sinabi na maraming katiwalian sa DOTr at natutulog sa pansitan at kangkungan ang mga namumuno ng ahensiya.

Nang magsimula nang magprisinta si DOTr Secretary Jaime Bautista ng kanilang budget proposal muling napansin ni Tulfo na nakangiti si Yebra.

“Makasingit lang. Usec. Yebra kanina ka pa ngiti ng ngiti. Mamaya maaalis ang ngiti mo. Dahil napag-alaman ko ‘yung iniskortan niyo na nahuli sa bus lane ang tatay noon kasamahan niyo. Now, don’t make this a laughing matter. Okay?” ani Tulfo.

Nagbanta pa si Tulfo na ipapa-contempt si Yebra.

“Kanina ka pa nakangisi eh. Mamaya ipapa-cite kita in contempt. Don’t you ever do that,” dagdag pa niya.

Inulit ni Tulfo ang banta na isisiwalat ang pagkakasangkot ng DOTr sa SUV driver na nahuling gumaga­mit sa Edsa carousel lane noong Hulyo 28.

Humingi naman ng paumanhin si Yebra at sinabing may mali sa kanyang ngipin dahil kaoopera pa lamang niya.

“There is something wrong with my teeth. Kaoopera ko pa lang po. I sincerely apologize Mr. chair,” ani Yebra.

Muli namang binalikan ni Tulfo ang ginawa ng mga tauhan ng DOTr noong Hul­yo 28 na sa halip na hulihin ay inihatid pa sa condo ang nahuling driver ng SUV na si Christopher De Vera.

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with