MANILA, Philippines — Muling ikinasa ng SM Foundation ang kanilang programang Operation Tulong Express (OPTE) bilang tugon sa Bagyong Enteng.
Pinangunahan ng mga employee volunteers ng SM Supermalls ang pamamahagi ng kalinga packs, na umabot sa mahigit 2,500.
Sa Marikina, higit sa 500 pamilya ang tumanggap ng mga kalinga packs na naglalaman ng essential goods. Ang tulong ay ipinamahagi sa mga barangay ng Tumana, Nangka, at Malanday.
Pinalawak pa ng SM Foundation ang kanilang saklaw sa San Mateo, Rizal, kung saan mahigit 600 pamilya ang nabigyan ng tulong.
Nabigyan din ng kalinga packs ang mga nasalantang pamilya sa Naga City, kabilang ang 260 pamilya sa barangay Igualdad, 300 sa Abella, at 725 sa Sta. Cruz.
Ang OPTE ay isang social good program ng SM Foundation katuwang ang SM Supermalls at SM Markets na layuning tumugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad.