^

Bansa

SM Group, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng

Pilipino Star Ngayon
SM Group, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Enteng
Sa tulong ng mga employee volunteers mula sa SM City Marikina, nakatanggap ng Kalinga Packs ang mga residenteng apektado ng Bagyong Enteng sa Marikina.

MANILA, Philippines — Muling ikinasa ng SM Foundation ang kanilang programang Operation Tulong Express (OPTE) bilang tugon sa Bagyong Enteng.

Pinangunahan ng mga employee volunteers ng SM Supermalls ang pamamahagi ng kalinga packs, na umabot sa mahigit 2,500.

Sa Marikina, higit sa 500 pamilya ang tumanggap ng mga kalinga packs na naglalaman ng essential goods. Ang tulong ay ipinamahagi sa mga barangay ng Tumana, Nangka, at Malanday.

Pinalawak pa ng SM Foundation ang kanilang saklaw sa San Mateo, Rizal, kung saan mahigit 600 pamilya ang nabigyan ng tulong.

Nabigyan din ng kalinga packs ang mga nasalantang pamilya sa Naga City, kabilang ang 260 pamilya sa barangay Igualdad, 300 sa Abella, at 725 sa Sta. Cruz.

Ang OPTE ay isang social good program ng SM Foundation katuwang ang SM Supermalls at SM Markets na layuning tumugon sa pangangailangan ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad.

SM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with