^

Bansa

AFP, dumistansya sa kustodiya kay Quiboloy sa pasilidad ng ISAFP

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumistansya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kahilingan ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na ilipat ito sa kostudiya ng Kampo Aguinaldo.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, sapat na nakasuporta sila sa kilos at operasyon ng Philippine National Police (PNP) simula nang ikasa ang operasyon laban kay Quiboloy.

Binigyang-diin ni Padilla na ang operasyon hanggang pagkakaaresto lamang kay Quiboloy ang kanilang sinusuportahan upang matiyak na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan kung kinakailangan.

Una nang sinabi ng Department of National Defense (DND) na tutol sila sa anumang mosyon na maglilipat kay Quiboloy sa kustodiya ng militar.

Iginiit ng kagawaran na may mahigpit na operational security protocols na sinusunod sa mga pasilidad ng AFP at hindi akma na dito manatili ang isang indibiduwal na may kinahaharap na kasong kriminal.

Kabilang dito ay kung ang sitwasyon ay may kinalaman sa national security. Wala aniya silang nakikitang banta sa seguridad ng bansa sa pagkakadakip sa pastor.

Dahilan naman ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, nanganganib ang buhay ng pastor dahil aktibo itong miyembro ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na lumalaban sa mga NPA.

AFP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with