Pangulong Marcos: Quiboloy hindi sumuko, nasukol
MANILA, Philippines — Hindi sumuko sa mga otoridad si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy kundi na-corner o nasukol na dahil malapit na ang mga pulis sa kanya.
Ito ang nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsabing hindi lilitaw si Quiboloy kung hindi hinabol ng kapulisan.
“Ganito ang iniisip ko hindi siya lilitaw kung hindi namin siya pinu-pursue, ang pagkaintindi ko ang pagsurender kapag wanted ka pupunta ka sa police station o prosecutor o official authority, sasabihin nag-susurender na ako alam ko may court order, may arrest order na ko,” ayon sa Pangulo.
Subalit sa kaso aniya ni Quiboloy ay napilitan siyang lumabas dahil malapit na ang pulis sa kanya at para sa kanyang ikabubuti ay nagsabi rin na magpapakamatay ang kanyang mga followers para sa kanya.
“To his credit, ang sabi niya (Quiboloy) iyong mga follower n’ya magpapakamatay para sa kanya, at ayaw niya mangyari iyon, so to his credit his still displaying model of leadership,” giit pa ng Presidente.
Iginiit pa ni Marcos na ang nasabing operasyon para madakip si Quiboloy ay ginawa ng Philippine National Police (PNP) augmented ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at civilian arms of government.
NIlinaw din ng Pangulo na walang nasaktan at namatay sa ginawang operasyon ng PNP dahil lahat ng pumasok na mga pulis ay walang armas dahil ayaw nilang may masaktan na miyembro ng KOJC.
- Latest