^

Bansa

Dahil sa mga pagbaha Pangulong Marcos pinapa-update mapa ng Pilipinas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa mga pagbaha Pangulong Marcos pinapa-update mapa ng Pilipinas
Sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga na ma-update ang mapa dahil nagbabago na ang agos ng tubig baha sa mga nakalipas na panahon.
Google Map

MANILA, Philippines — Pinapa-update ni Pangulong Ferdinand ­Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang flood maps sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga na ma-update ang mapa dahil nagbabago na ang agos ng tubig baha sa mga nakalipas na panahon.

“What we’re going to have to do here is we’re going to have to really look and see what are the changes that have happened,” pahayag ng Pa­ngulo sa situation brie­fing sa Antipolo dulot ng bagyong Enteng.

Tinukoy ni Pangulong Marcos ang ilang lugar sa Metro Manila na dati ay hindi binabaha, subalit nalubog sa tubig noong manalasa ang bagyong Carina.

“Like in the case of Carina in Metro Manila, there were very distinct, there were identifiable causes why they haven’t had that flooding for 15 years but they now did,” ayon pa kay Marcos.

Kaya hinala ng Pangulo maaring nababarahan na ang mga daluyan ng tubig dahil sa urbanisasyon dulot ng pagdami ng mga proyektong pabahay.

Base sa pag-aaral ng DENR, ang maraming pabahay sa Rizal ang isa sa mga dahilan ng pagbaha.

Subalit ayon sa Pa­ngulo, kailangan ngayon ng pamahalaan ang “large-scale, long-term” plan sa flood control program.

DENR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with