MANILA, Philippines — Suportado ni Parañaque Rep. Gus Tambungin ang panukalang pagpapatigil sa puwersahang pagpapagamit ng mga purchase booklets sa mga gamot at grocery sa mga senior citizens at Persons With Disabilities (PWDs) para makakuha ng diskuwento.
“This is an important issue for me because drug stores are strict in not implementing discounts without the booklets, which at times they forget or they don’t have,” pahayag ni Tambunting.
Una rito, kinumpirma naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang suporta nila sa pagtanggal ng mga booklet sa pagdinig ng panukalang pondo ng ahensiya nitong nakalipas na Miyerkules.
Nabatid na maraming senior citizens at PWDs ang dumulog sa Kongresista na kahit mayroon umano silang ID na magpapatunay ng kanilang edad at kapansanan kapag hindi dala ang booklet ay walang diskuwentro sa drugstores at grocery.
Ayon sa Kongresista, makaluma na ang nasabing sistema at dagdag na pahirap ito sa mga senior citizens at PWDs para makakuha ng karagdagang benepisyo.
Sinabi ni Tambunting na kinakailangang tanggalin na rin ang paggamit ng medicine and grocery purchase booklet para sa mga PWDs.
“Rest assured, I will explore legislative measures to support this objective and exert efforts to convince our local executives in joining us for a whole-of-government approach in securing peace for our homeland,” sabi pa ng mambabatas.