Selfie ng government officials kay Alice Guo, walang masama – Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Walang nakikitang masama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapakuha ng larawan ng ilang opisyal at mga empleyado ng gobyerno kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo matapos itong maaresto sa Indonesia.
“I think this part of the new culture now na nagpapakuha lagi ng kahit ano kasi ipo-post nila, tingnan mo kasama ako sa nag-aresto sa team sa ganyan-ganyan,” pahayag ng Pangulo.
Kaya nga aniya ang tawag sa Pilipinas ay selfie capital of the world.
“Kaya nga ang tawag sa Pilipinas ay we are the selfie capital of the world, kaya nag-selfie, hindi mo naman mapipigilan ang tao na ngumiti, they had just a selfie. I don’t think there’s much more to it than that - nagpa selfie sila,” giit pa ng Pangulo.
Ang pahayag ni Marcos ay ginawa matapos na batikusin ang mga larawan at video na kumalat sa social media kung saan kasama ni Guo si DILG Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Marbil sa larawan na pawang mga nakangiti.
Ayon sa mga netizen, isang pugante si Guo subalit nagmistula itong celebrity dahil sa kabi-kabilang pagpapakuha ng larawan ng mga otoridad sa dating alkalde.
- Latest