^

Bansa

Kalat ni ‘Enteng’ agad linisin - Sen. Revilla

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kalat ni ‘Enteng’ agad linisin - Sen. Revilla
Senators Bong Revilla on February 26, 2024.
STAR / Jesse Bustos, file

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Se­nate Committee on Public Works chairman Senator Ramon Bong Revilla Jr sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang agarang paglinis ng mga basura at mga debris na kumalat sa mga kalsada at drainage system na dulot ng bagyong Enteng.

Ayon kay Revilla, ang mga nagkalat na debris tulad ng mga sanga, dahon, at mga basura na nagbabara sa drainage ay siyang nagpapalala ng baha kaya dapat linisin agad.

Iginiit ng senador na dapat manatiling malinis ang water-outlets upang hindi maipon ang tubig at mabilis na humupa ang baha sa mga binabahang lugar.

Kasabay nito ay inatasan na rin ni Revilla ang DPWH na siyasatin ang mga naglalakihang mga Tarpaulin-bill boards at agarang ibaba bago paman manalasa ang bagyo dahil lubhang mapanganib ito sa kaligtasan ng taong bayan kung malakas ang hangin.

Bilang chairman ng Senate Committee on Public Works, madalas pinaalalahanan ni Revilla ang mga ahensya ng gobyerno na paghandaan ang mga tumatamang ka­lamidad sa bansa upang maiwasan ang mala­king pinsala nito sa taong ba­yan.

BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with