Wesley Guo, sunod na target ng Indonesian authorities

Proof obtained from the National Bureau of Investigation that the brother of suspended mayor Alice Guo, Wesley Leal Guo, is Guo Xiang Dian, a Chinese passport holder.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kasalukuyan na ring pinaghahanap ng Indonesian authorities si Wesley Guo, na kapatid nang naarestong si Alice Guo, upang kaagad na ring maibalik sa Pilipinas.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, nangako ang Indonesian Police na matapos nilang maaresto si Guo ay tututukan naman nila ang paghuli kay Wesley.

Una nang naaresto ng Indonesian Police nitong Miyerkules ng madaling araw si Guo sa Tangerang City sa Indonesia at nakatakda nang ipabalik sa bansa upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Una na ring dinakip sa Indonesia at naibalik sa bansa ang kanilang kapatid na si Shiela Guo at si Cassandra Li Ong, na authorized representative ng POGO na sinalakay sa Porac, Pampanga.

Show comments