^

Bansa

Bong Go sumuporta sa Kabaka Gift Giving Project sa Pasig City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinadala ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang Malasakit Team sa Pasig City para magbigay ng karagdagang suporta sa Kababaihan ng Kalawaan (Kabaka) Gift Giving event.

Nangunguna sa pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan, ipinahayag ni Go ang kanyang suporta sa mga programa at polisiya na magbibigay ng mas magandang buhay para sa kababaihan.

Kabilang dito ang Republic Act No. 11861, na nag-amyendahan sa RA 8972 o Solo Parents’ Welfare Act of 2000 na magbibigay ng karagdagang benepisyo sa solo parents, partikular sa kababaihan. Isa si Go sa mga author at co-sponsor ng nasabing panukala.

Ilan sa mga benepisyong matatamasa ngayon ng solo parents ay ang karagdagang tulong pinansyal sa mga kumikita ng minimum o mas mababa; 10% diskwento sa mga pangangailangan tulad ng pagkain at micronutrient supplements, diapers, at duly prescribed medicines sa kumikita ng mas mababa sa P250,000 kada taon; at pagbibigay-prayoridad sa mga programa sa pabahay at kabuhayan mula sa gobyerno, bukod sa iba pa.

Sa nasabing event, ang Malasakit Team ni Go, kasama si Andrew “Andy” Cheng, ay nagbigay ng grocery packs at kamiseta sa higit 1,000 kababaihang dumalo.

Bilang chairperson ng Senate committee on health, patuloy na hinihimok ni Go ang publiko na gamitin ang mga serbisyo ng Malasakit Centers sa buong bansa, kabilang ang nasa Rizal Medical Center sa lungsod.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with