^

Bansa

Seguridad, kapakanan ng manggagawa tutukan vs ‘Enteng’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng Trabaho Partylist na dapat paalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers na alagaan ang seguridad at kapakanan ng mga manggagawa ngayong nararamdaman ang epekto ng Bagyong Enteng at Hanging Habagat.

Tinutukoy ni Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, ang Labor Advisory No. 17 na inilabas ng DOLE tungkol sa pagsuspinde ng trabaho dahil sa kalagayan ng panahon.

Ang mga manggagawa na nagtrabaho nang ‘di bababa ng anim na oras bago masuspinde ng trabaho ay dapat makatanggap ng buong sahod sa naturang araw. Kung bababa sa anim na oras ang trabaho, ang empleyado ay makakatanggap ng “proportionate” wage niya na nakabase kung ilang oras siya nagtrabaho.

Ngunit, kung ‘di man makapasok sa trabaho ang manggagawa, maaaring ‘di siya makatanggap ng sahod sa naturang araw, pero ‘di ito pwede maging rason upang sila ay parusahan nang administratibong kaso sa kumpanya.

Tututukan at itinutulak ng Trabaho Partylist sa Kongreso ang ilan pang mga hakbang upang tulungan ang mga manggagawa sa oras ng sakuna, tulad ng pagmumungkahi ng calamity pay para sa mga manggagawa na pumasok sa trabaho kahit bumabagyo at iba pang calamity assistance.

vuukle comment

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with