^

Bansa

Pagbayo ni ‘Enteng’ mananatili hanggang Huwebes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagbayo ni ‘Enteng’ mananatili hanggang Huwebes
Residents wade through heavy flooding along Felix Avenue and inner roads at the boundary of Cainta, Rizal and Pasig due to intense rain brought by Tropical Storm #EntengPH and the enhanced habagat on September 2, 2024.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Mananatili at lalakas pa bilang isang severe tropical storm ang bagyong Enteng sa Miyerkules at maaabot ang peak category ng bagyo hanggang Huwebes o Biyernes.

Alas-5 ng hapon kahapon, namataan ng PAGASA ang sentro ni Enteng sa bisinidad ng Maddela, Quirino at kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

SI Enteng ay may lakas na hangin na umaabot sa 85 km bawat oras at pagbugso na 105 km bawat oras,

Dulot nito, nakataas ang Signal number 2 ng bagyo sa Ilocos Norte, Apayao, eastern portion ng Kalinga, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, at northern portion ng Aurora.

Signal number 1 naman sa Metro Manila, lalawigan ng Rizal, Batanes, Ilocos Sur, La Union, eastern portion ng Pangasinan, Abra, nalalabing bahagi ng  Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, eastern portion ng Bulacan, northeastern portion ng Laguna, at northern portion ng Quezon kasama na ang Polillo Islands.

Higit na lalakas ang ulan dulot naman ng epekto ng Habagat sa mga lugar sa Luzon at Visayas laluna sa kanlurang bahagi nito.

Ngayong madaling araw ng Martes, September 3, ang bagyo ay kikilos pakanluran hilagang kanluran at inaasahang magdadala ng mga pag-uulan sa mainland Luzon.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with