Ex-PCSO GM Garma ipaaaresto ‘pag ‘di sumipot sa quad comm probe

Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Ro­bert Ace Barbers, lead chairman ng quad comm na inisyuhan na nila ng subpoena si Garma matapos makaladkad ang pangalan nito sa umano’y pagpatay sa tatlong Chinese drug lords na sina Chu Kin Tung, Jackson Li at Wong Meng Ping sa Davao Prison and Penal Farm noong 2016.
STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Binalaan ng quad committee ng Kamara si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma, isang retiradong P/Lt. Colonel na ipaaresto ito kung hindi haharap sa pagdinig.

Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Ro­bert Ace Barbers, lead chairman ng quad comm na inisyuhan na nila ng subpoena si Garma matapos makaladkad ang pangalan nito sa umano’y pagpatay sa tatlong Chinese drug lords na sina Chu Kin Tung, Jackson Li at Wong Meng Ping sa Davao Prison and Penal Farm noong 2016.

Sa pahayag ng mga testigo, si Garma umano bilang dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lungsod ng Davao, ang nagpaplano ng mga target paslangin sa madugong giyera kontra droga.

“These are not isolated incidents but part of a broader pattern of abuse that we believe Garma had a direct hand in. The gravity of these allegations cannot be overstated,” ani Barbers.

Kung magmamatigas umano si Garma na dumalo ay walang mapagpipilian ang mega panel kundi patawan ito ng contempt at ipaaresto.

Muling magsasagawa ng pagdinig ang quad comm sa Setyembre 3.

Show comments