MANILA, Philippines — Naungusan na ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Vice President Sara Duterte sa performance at trust ratings, base sa pinakahuling Tugon ng Masa (TNM) survey ng Octa Research.
Sa survey na isinagawa nitong Hunyo 30 hanggang Hulyo 5, 2024 sa 1,200 respondents, majority ng adult Filipinos o 63 porsyento ay satisfied sa performance ni Romualdez kumpara sa 60 porsyento ni VP Sara na bumagsak ng apat na porsyento mula sa 64% nitong Marso.
Si Romualdez ay tumaas ng isang porsyento mula sa kanyang 62% performance nitong March survey.
“This due primarily to the improvements in his (Romualdez) ratings in Mindanao which significantly increased by 10% from 42% to 52%. Moreover, his performance ratings also significantly improved in class ABC by 13% from 54% to 67%,” ayon sa Octa.
Samantala, 68% ang nananatiling satisfied sa performance ni President Ferdinand Marcos Jr. habang ang trust ay 71%.
Muli namang bumaba ang trust rating ni Sara sa 65% mula sa 68%.
Samantala, sina Romualdez at Senate President Chiz Escudero ay patuloy pa ring pinagkakatiwalaan ng mas nakararaming Filipino na nakakuha ng 62% at 67%, ayon sa pagkakasunod.