^

Bansa

Pinakamalaking grupo ng ­manggagawa sa Pinas pinuri DOLE, CHR sa hakbang vs ‘red-tagging’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ng Philippine Trade and Ge­neral Workers Organization (PTGWO) sina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma, Undersecretary Benedicto Ernesto Bitonio, Jr., Director IV Maria Consuelo Bacay, at ang Commission on Human Rights (CHR) sa kanilang agarang aksyon laban sa “Red-Tagging.”

“Ang aming lokal na pangulo ng unyon, pangulo ng Sumi North-Philippines Labor Union-PTGWO, ay natakot para sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya nang pumunta ang mga opisyal ng barangay sa kanyang tahanan at ipinaalam sa kanya na siya ay nakalista bilang isa sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA), ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines. Pinipigilan siya sa pag-oorganisa ng mga manggagawa sa kanilang kompanya,” kwento ni Atty. Arnel Z. Dolendo, Pambansang Pangulo ng PTGWO sa isang press statement.

Dahil dito humingi ng tulong ang PTGWO sa mga opisyal ng gobyerno na nagbigay ng impormasyon tungkol sa magandang track record ng PTGWO sa lehitimong pagpapatupad ng mga layunin nitong palakasin ang mga manggagawa. Ang PTGWO ay kasalukuyang pinakamalaking pederasyon ng paggawa sa bansa, ayon sa bilang ng mga indibidwal na kasapi, na may mahigit 100 unyon ng paggawa sa iba’t ibang industriya, batay sa mga rekord ng Bureau of Labor Relations (BLR) ng DOLE. Ito ay kaanib ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at isa sa pinakamatandang organisasyon ng manggagawa sa bansa, na itinatag noong 1953.

“Sa agarang tugon lamang ng DOLE at CHR natigil ang red-tagging,” ayon kay Dolendo.

CHR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with