24K ACM dumating na sa bansa — Comelec

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang 24,400 automated counting machines (ACMs) na gagamitin sa 2025 midterm elections.

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia nitong Sabado na ang nasabing bilang ay higit pa sa naipangakong ideliber ng kumpanyang Miru Systems sa buwan ng Agosto na 20,000 ACMs, kung saan 17,400 ang nasa kanilang kustodiya habang ang 7,000 ay nasa Bureau of Customs (BOC) pa.

Nasa 110,000 ang kailangang makumpletong ideliber ng nasabing automated election systems provider.

Show comments