^

Bansa

Espenido ginawang scapegoat nina Duterte, Bato sa EJK

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Espenido ginawang scapegoat nina Duterte, Bato sa EJK
P/Colonel Jovie Espenido
STAR / Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — “Ginawa nila akong scapegoat sa drug war!”

Ito ang ibinunyag ni P/Colonel Jovie Espenido laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating PNP Chief at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng mga kaso ng Extra Judicial Killings (EJK) na may kaugnayan sa madugong giyera kontra droga.

Sinabi ni Espenido sa pagdinig ng Quad Comm na ito umano ang dahilan kung bakit natalaga siya sa Albuera, Leyte bilang dating Chief of Police dito gayundin sa lungsod ng Ozamiz City, Misamis Occidental at Bacolod City, Negros Occidental kung saan gumanap siya ng mahalagang papel sa mga high profile na anti-drug operations.

“Noong umpisa, Your Honor, Mr. Chair, mag-question ako sa sarili ko, bakit? Kaya sa testimonya ko kanina, one-time sinabihan ko sila President Duterte at saka si Sen. Bato, si Chief PNP Bato at the time na, “Bakit isinali nyo ako? Sabihan nyo lang ako kung hindi nyo gusto para hindi ako malagay sa alanganin na ilista nyo ako,’” pagbabalik tanaw ni Espenido sa kaniyang pakikipag-usap kay Dela Rosa.

Sa kaniyang interpelasyon ay sinabi naman ni Antipolo City Rep. Romeo Acop na ang pagkakasangkot ni Espenido sa drug list ay isang pagtatangka para wasakin ang kredibilidad nito dahil sa kaniyang nalalaman sa EJK.

“There is one time, Your Honor, Mr. Chair, na nagsabi sa akin na, “Jov, it’s games of the general. Isali ka, ‘yung credibility mo sirain para ‘yung credibility mo na nag-file ng complaint sa mga officers at saka ‘yung dinisbanned mo na mga grupo, hindi na credible ang pagsasalita mo kasi kasali ka pala,’”anang dismayadong si Espenido.

Idinetalye rin ni Espenido ang pagkamatay sa kulungan ni dating Albuera Mayor Rolando Espinosa sa kontrobersyal na anti-drug operation sa Ozamis City na nagresulta sa pakamatay ni dating Ozamis City Mayor Reynaldo “Aldo” Parojinog, misis nito at 13 iba pa sa kasagsagan ng giyera kontra droga noong Hulyo 2017.

Anya, matapos mapatay si Espinosa sa Baybay City Jail sa Leyte noong Nob­yembre 5, 2016 ay napromote pa si dating Col. Marvin Marcos na dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 8 na nanguna sa operasyon.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with