Kaso ng incest rape lumalala – DOJ

Rape Graphic images
Image by Ulrike Mai from Pixabay

MANILA, Philippines — Isiniwalat ng Department of Justice na lumalala ang kaso ng incest rape o panggagahasa ng kamag-anak o kadugo.

Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng DOJ, inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na base sa data na ibinigay sa isang NGO na sumusuporta sa isinusulong nilang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC), mahigit sa 500 ang naitalang kaso ng rape sa buong bansa.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andre, nasa 21,423 ang aktuwal na kaso ng panggagahasa na naihain sa korte noong 2023.

Bukod sa rape, nakakaalarma rin ang pagtaas ng kaso ng child pornography at hindi ito dapat ipagsawalang bahala ng gobyerno.

Kailangan na aniyang magkaroon ng ‘whole ­government approach’ para mapigilan ang lumalalang problemang ito.

Show comments