^

Bansa

Trust rating ni Marcos tumaas, VP Sara bumaba - OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umangat sa 71 percent ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa 69 percent noong unang quarter ng taon.

Sa latest OCTA Research Tugon ng Masa survey ngayong second quarter ng 2024, bumaba naman sa 65 percent ang trust ni Vice President Sara Duterte mula sa 68% ng unang kuarter ng 2024.

Ayon sa OCTA, ito na ang ikalawang beses na pagbaba ng trust rating ni VP Sara mula Disyembre 2023 at unang pag-angat ng trust ni PBBM.

Samantala, nasa 68 percent ang nagsabing sila ay satisfied sa performance ni PBBM, mas mataas ng 3% sa 65% noong nagdaang quarter. Ang performance rating naman ni VP Sara ay bumaba sa 60% mula sa 64%.

Nakakuha si Marcos ng pinakamataas na trust at performance sa Balance Luzon na 80% at 74% at pinakamababa ang nakuhang trust at performance sa Mindanao na 56%.

Nakuha naman ni Sara ang pinakamataas na trust at performance sa Mindanao na 95% at 92% samantala sa Balance Luzon ang pinakamababang trust at performance na 52% at 42%.

Sa socio-economic class, tumanggap si Marcos ng mataas na trust at performance ratings sa Classes ABC, 74% at 71% habang pinakamababa sa Class E na may 66% at 64%.

Nakakuha naman si Sara ng mataas na trust at performance sa Class E, 68% at 65% habang pinaka mababa sa Class ABC, 64% at 56%.

Ang survey ay ginawa mula June 30-July 5, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adult Pinoys na edad 18-anyos pataas.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with