Sara, mga kongresista nagkainitan sa budget hearing

MANILA, Philippines — Nagkairingan sina Vice President Sara Duterte at ilang Kongresista dahil sa pagtanggi ng una na ipaliwanag ang isyu sa paggasta sa Confidential at Intelligence Funds (CIF).

Sa pagtatanong ni House Deputy Mino­rity Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, tumanggi si Duterte na ipaliwanag kung paano nito ginasta ang P125 milyon sa loob ng 11 araw noong 2022.

“Bakit nandito ito, di ba na-convict na eto sa child abuse,” panunuya ng Bise Presidente kay Castro. Ayon kay Duterte, nag-aaksaya lamang umano ng oras kung tatalakayin pa ang CIF dahil inimbitahan siya para idepensa ang panukalang P2.03-B pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.

Bilang buwelta ay tinawag naman ni Castro si Duterte ng “pusit”.

“Kapag nasusukol na ang pusit ay naglalabas ng maitim na tinta. Ayaw natin ng ganoon. Ang pinag-uusapan dito ay budget. Huwag naman mag-ugaling pusit ang Office of the Vice President,” tugon ni Castro.

“According to COA, the notice of disallowance amounted to P73,287,000 out of P125 million…. Expenses on tables, chairs, desktop computers, reached P30.5 million. Can you explain why these were purchased?,” tanong ni Castro.

Paulit-ulit namang tinanggihan ni Duterte na sagutin ang komento ni Castro na tinukoy niya bilang isang snide comment.

“This is a hearing on the budget of 2025. Where are the confidential funds here?,” sagot ni Duterte.

Show comments