^

Bansa

Mga batang may sakit na biliary atresia dapat tulungan ng pamahalaan — Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ihahain ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ngayong araw ang isang panukalang batas para tulungan ng pamahalaan sa pagpapagamot ng mga batang may sakit na biliary atresia.

Ayon kay Rep. Tulfo, may 200 paslit ang may bi­liary atresia sa bansa ngayon at kailangan nila ang agarang gamutan.

Tanging liver transplant lamang ang solusyon ng mga sanggol o bata na dumaranas ng naturang sakit, kaya’t kadalasan ay hindi na sila umaabot sa edad na dalawang taong gulang dahil nga sa nasabing karam­daman.

“Ang problema umaabot sa halos P2 million ang operasyon at ito at ginagawa lamang sa India,” anang mambabatas.

Aniya, nakapagtataka na galing sa mahihirap na pamilya ang tinatamaan ng nasabing sakit kaya ang problema ay pinansyal.

Mainam sana anya kung matulungan ng pamahalaan ang mga batang ito kahit kalahati lang sana ng halaga ng kanilang pagpapa-opera.

Nabatid na ang biliary atresia ay isang ‘di pangkaraniwang uri ng sakit mula sa pagkasilang ng bata at ito ay may kinalaman sa atay.

Wala pang malinaw na medical explanation kung papaano nakukuha ng mga sanggol ang nasabing karam­daman.

Ayon kay Tulfo, na de­puty majority floor leader din ng Kongreso, “may isang ospital na dito sa bansa na gumagawa ng liver transplant pero doble o triple ang halaga kumpara kung sa India ito gagawin.”

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with