^

Bansa

Bong Go kinastigo PNP sa KOJC raid: Overkill!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Senador Christopher “Bong” Go kasunod ng panawagan na dapat may managot sa pagkamatay ng dalawang kasapi ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na ang compound sa Davao City ay sinalakay ng malaking puwersa ng pulisya.

Ang operasyon na naganap, bandang madaling-araw noong Agosto 24, ay binuhusan ng humigit-kumulang 2,000 pulis para isilbi ang warrant of arrest sa pinuno ng KOJC na si Pastor Apollo Quiboloy. Dalawang sibilyan ang iniulat na namatay at ilan pa ang nasugatan.

Nagpaabot ng kanyang taos-pusong pakikiramay si Go sa pamilya ng mga namatay at nasaktan sa police raid.

“Alam ko na tungkulin po ng pulis na ipatupad ang batas. Ngunit kinokondena po natin ang karahasang nangyayari dahil importante po sa atin ang buhay ng bawat Pilipino,” sabi ni Go.

Ani Go, mahalaga ang pangangalaga sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan, lalo sa mga sensitibong sitwasyon.

“Full support ako sa ating uniformed personnel basta gawin lang po ang trabaho nang tama. Protect the people! Huwag naman overkill na may masasaktang ordinaryong mamamayang Pilipino lalo’t sa loob pa ito ng lugar ng pagdarasal,” iginiit ni Go.

vuukle comment

KOJC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with