MANILA, Philippines — Nagtala ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng 100 percent resolution rate sa paghawak at pagresolba sa mga reklamo sa ahensiya mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon batay sa report ng Office of the President’s 8888 Citizens’ Complaint Center.
Ang DHSUD ay tumanggap ng kabuuang 433 concerns mula January hanggang July 31, 2024 at lahat ng ito ay naresolba ng ahensiya sa loob ng 72-hour period.
Binigyang diin ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ang mahusay na rating ay nagsisilbing inspirasyon sa mga tauhan na mapahusay pa ang pagtupad sa tungkulin.
“This shall serve as an inspiration for all of us to strive better to achieve 100 percent compliance rate.Pagbutihin pa natin ang pagbibigay ng paspasan at dekalidad na serbisyo sa ating mga kababayan. ‘Yan ang serbisyong tatak Bagong Pilipinas,” sabi ni Acuzar.
Ang 8888-CCC complaints ay pinangangasiwaan ng Strategic Communications and Public Affairs Service (SCPAS) na pinamumunuan ni Director Mario Mallari sa ilalim ng superbisyon ni Undersecretary Avelino Tolentino III sa pakikipag-tulungan sa e-PASPAS Serbisyo Aksyon Officers sa ilalim naman ng pamamahala ng DHSUD-Committee on Anti-Red Tape.