MANILA, Philippines — Dahilan sa pagtakas ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at iba pang mga high profile suspects, rerebyuhin ng Kamara ang paggamit ng intelligence funds ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Ito ang inihayag ni House Committee on Appropriations Chairman Elizaldy Co na iginiit na hindi makakatakas si Guo kung hindi nakipagsabwatan ang ilang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
“Congress takes the allocation and use of intelligence funds very seriously. The escape of former Mayor Alice Guo despite an immigration lookout bulletin is an incident of great concern,” ani Co.
“Isama na rin natin ang kaso nina Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy at dating BuCor Chief Gerald Bantag, na hanggang ngayon’y ‘di pa rin nahuhuli. These incidents are alarming because they raise serious questions on use of funds for security and law enforcement,” punto ni Co.
Inihayag ng opisyal na bagaman maaring ‘isolated’ ang nasabing insidente ay kailangang irebyu ang paggamit ng intel funds ng mga ahensya ng gobyerno.
Kailangan anyang siguruhin na ang bawat piso ng intelligence funds ay nagagamit nang tama at epektibo.
“Hindi natin hahayaang masayang ang pera ng bayan. The goal is to make sure every peso serves its purpose. Congress will not take this matter lightly,” dagdag nito.