Pagpapalawig sa validity ng rehistro ng mga sasakyan, hirit
MANILA, Philippines — Naghain ng panukala si Las Piñas Rep. Camille Villar na palawigin ang validity ng original at renewed certificates of registration ng mga sasakyan.
Sa ilalim ng House Bill 10696 o “Extended Motor Vehicle Registration Act of 2024,” ang rehistro ng bagong motor vehicles ay bibigyan ng 5-year validty mula sa kasalukuyang 3-years habang ang mga bagong motorsiklo naman ay bibigyan ng 3-year validity mula sa isang taon.
Nasa tatlong taon naman ang validity ng renewal ng mga sasakyan na 5-7 taon na ang tanda, habang ang 8-9 taon na ay bibigyan ng dalawang taon, at isang taon para sa mga sasakyan na 10 taon o mas matagal ang tanda.
Pagdating sa motor, 2-year validity ang ibibigay sa mga 3-7 taon na ang tanda at para sa mga walo o mas matagal, ay isang taon.
Sa paraan aniyang ito mabibigyang ginhawa sa oras at gastos ang mga may-ari ng kotse at motor mula sa palagiang pagpaparehistro.
Bawas din aniya ito sa administrative costs ng gobyerno sa pagproseso ng rehistro.
- Latest