^

Bansa

Kalidad ng trabaho, benepisyo dapat pagtuunang pansin: Trabaho Partylist

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng Trabaho Partylist na kasabay dapat ng ‘momentum’ sa patuloy na paglikha ng trabaho ang pagtaas ng kalidad ng trabaho at benepisyo para sa mga manggagawang Pilipino.

Mabuti man ang ‘progress report’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglago ng ekonomiya, paglutas ng kahirapan at paglikha ng trabaho, ngunit isinusulong ng Trabaho Partylist na dapat itaas din ang kalidad ng trabaho at benepisyo.

Kasama rito ang mga pagpasa ng panukala upang makapaghandog ng disenteng kita, dagdag benepisyo, at pangangalaga sa seguridad ng mga manggagawang Pilipino.

Sang-ayon ang tagapagsalita ng Trabaho Partylist na si Atty. Filemon Ray L. Javier sa pahayag ni Pangulong Marcos na ‘balewala ang lahat ng ating ginagawa kung walang pagbabago sa buhay ng Pilipino.’ Bilang suporta sa direksyon ng administrasyon, iginiit ni Atty. Javier na mananatiling plataporma ng Trabaho Partylist ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga manggagawa dahil ‘di dapat tumitigil sa magandang ulat sa ekonomiya ang pagsulong ng interes ng sektor.

Suportado rin nito ang polisiya ng administrasyong Marcos na mag-invest sa mga tinatawag na job-generating infrastructure at social protection programs, pati na rin ang mga programa sa kalusugan at edukasyon. Giit ng Trabaho Partylist, ‘di lang dapat datos ang umangat kundi pati mga benepisyong direktang mapapakinabangan ng milyun-milyong manggagawang Pilipino.

TRABAHO PARTYLIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with