^

Bansa

Guo nakatimbre na sa Interpol

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatimbre na sa International Criminal Police Organization (Interpol) ang pasaporte ng sinibak na si Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, inireport na ng Department of Foreign Affairs sa Interpol ang mga pasaporte nina Guo at kanyang mga kapatid na sina Wesley at Sheila, at Cassandra Ong.

Hindi naman sinabi ni Hontiveros kung ano ang hakbang na puwedeng gawin ng Interpol sakaling matukoy ang kinaroroonan ni Guo at mga kapatid nito.

Ayon pa kay Hontiveros, maaring magamit na ebidensiya na nagkaroon ng fraudulent identity sa kaso ni Guo ang biometrics sa database ng DFA at NBI.

Gumawa na rin anya ng precautionary measure ang Office of Consular Affairs ng DFA na isama si Guo o Guo Hua Ping at kanyang mga kapatid sa Passports Watchlist Database upang hindi na mabigyan ng bagong passport.

Hindi na rin makakapagpalipat-lipat ng bansa sina Guo dahil ipinakansela na ng gobyerno ang Philippine passport nito.

Balak ni Hontiveros na ipatawag ang abogado ni Guo na si Atty. Stephen David sa pagdinig sa Agosto 27 dahil sa pahayag nito na nasa Pilipinas pa ang kliyente.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with