VP Sara, Hontiveros nagsagutan sa budget hearing
MANILA, Philippines — Nagkasagutan sina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng panukalang pambansang budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon para sa susunod na taon.
Nag-ugat ang sagutan ng dalawa nang usisain ni Hontiveros kung ano ang paksa ng librong inakda mismo ni Duterte na pinondohan ng P10 milyon at ipamamahagi ng OVP sa mga mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Huling tanong ko sa ngayon, for 2025 one of the OVPs programs, pagbabago campaign, a million learners entries involves a provision of bags to 1 million learners in remote communities while initiating tree planting activities, this gets an appropriation of 100M pesos, part of this campaign is an allocation of 10M pesos for the distribution of Isang Kaibigan books, a children’s book authored by the VP. Pwede po bang sabihin…more tungkol sa librong ito?” tanong ni Hontiveros.
Hindi tahasang sinagot ni Duterte kung ano ang paksa ng librong pambata at sa halip ay inakusahan si Hontiveros nang “pamumulitika” sa pondo ng gobyerno.
Ipinaalala rin ni Duterte ang ginawang paghingi ng tulong sa kanya ni Hontiveros noong tumakbo ito pero noong manalo ay siya ang unang umatake sa kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte.
“Madam chair, the book is not for sale. We only pay for the publication of the book and we will send Sen. Hontiveros a copy so that she will know what is the content of the book,” ani Duterte.
- Latest