^

Bansa

Barangay execs nahuli sa casino, kinasuhan sa Ombudsman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsampa sa Ombudsman ng kasong administratibo si dating Caloocan Mayor Rey Malonzo laban sa dalawang barangay chairman dahil sa pagpasok at paglalaro nito sa loob ng isang casino sa Parañaque City.

Kinilala ni Malonzo ang kinasuhan na sina Caloocan barangay chairman Marlon Aquino ng Brgy. 2 at Noli Estolano ng Brgy. 3.

Ayon kay Malonzo, noong Hunyo 14, 2024, pumasok at naglaro sa isang casino ang dalawa na mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng halal na opisyal at mga empleyado ng gobyerno.

“Matapos dumalo sa isang birthday party, ang 2 kapitan ay nakita sa loob ng casino at nagpa-picture at ipinost sa Facebook social media account kung saan ay naka-post din ang kanilang mga activities bilang mga barangay chairman, ” ani Malonzo.

Sa reklamo ni Malonzo, sinabi nito na sa mga pinost na larawan ng dalawang barangay official, makikita na nag-eenjoy at pinagmamalaki ang tila marangyang pamumuhay na meron sila.

CASINO

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with