Marikina execs kinasuhan sa P130 milyon PhilHealth funds

Sa reklamo ng isang concerned citizen ng Marikina na si Sofronio Dulay, bukod kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, kinasuhan din sina City Accountant Erlinda Gutierrez Gonzales, City Treasurer Nerissa Calvez San Miguel, at Assistant City Budget Officer Jason Rodriguez Nepomuceno dahil sa umano’y misallocation ng P130 milyong PhilHealth funds na nakalaan sa health system improvements para sa mga programa ng Marikina sa ilalim ng Universal Health Care Act.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patung-patong na kasong technical malversation, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service ang mga opisyal ng lungsod ng Marikina dahil sa umano’y misallocation ng PhilHealth funds na umaabot sa P130 milyon.

Sa reklamo ng isang concerned citizen ng Marikina na si Sofronio Dulay, bukod kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, kinasuhan din sina City Accountant Erlinda Gutierrez Gonzales, City Treasurer Nerissa Calvez San Miguel, at Assistant City Budget Officer Jason Rodriguez Nepomuceno dahil sa umano’y misallocation ng P130 milyong PhilHealth funds na nakalaan sa health system improvements para sa mga programa ng Marikina sa ilalim ng Universal Health Care Act.

Ani Dulay, nakasaad sa batas na lahat ng PhilHealth payments ay dapat nakalaan lang sa pagpapaganda ng health system ng lokal na pamahalaan.

Nagsampa ng kaso sa Ombudsman si Dulay matapos niyang madiskubre na ang mga ginamit na libreng COVID testing noong pandemic ay pinareimburse umano sa PhilHealth na nagkakahalaga ng P130-M.

Ayon kay Dulay, naglabas pa ng city ordinance ang alkalde para sa appropriation ng reimbursement sa PhilHealth.

Imbes sa pagpapaunlad ng health care sa Marikina ay nagamit umano ang pondo sa pagbili ng IT equipment, repair at maintenance ng mga gusali, donasyon, at pambili ng mga suplay at materyales na nagkakahalaga ng P91 milyon.

Dapat anyang nagamit ang pondo sa mga programang pangkalusugan kagaya ng libreng gamot, libreng lab tests, at libreng checkup.

Aniya, malinaw umanong nalabag ang batas dahil sa paggastos ng pera para sa non-health-related budget items.

Show comments