‘In heat’ remarks ni Padilla binira ng Gabriela
MANILA, Philippines — Binira ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang komento ni Sen. Robinhood Padilla hinggil sa isyu ng pag-iinit ng katawan kaugnay ng ‘marital rape’.
Sinabi ni Brosas na dapat dumalo sa anti-violence against Women and Children (VAWC) seminar si Padilla at nang magkaroon ito ng kaalaman sa karapatan ng kababaihan.
Ayon kay Brosas, may malaking epekto ang pahayag ni Padilla dahil nasa posisyon ito at may impluwensya sa batas.
“Paalala lang muli kay Senator Padilla na hindi sexual objects ang kababaihan at walang excuse o batas na dapat gamitin upang baliwalain ang consent sa pagitan ng magka-relasyon o mag-asawa,” sabi ni Brosas.
“His claim that men have sexual rights simply because they’re ‘in heat,’ likening them to dogs, is a troubling reinforcement of macho-patriarchal views. Perhaps it’s time for him to sit, stay, and educate himself on women’s rights,” saad pa ng lady solon.
Una nang sinabi ni Padilla na may plano siyang maghain ng resolusyon hinggil sa pang-aabuso ng New People’s Army (NPA) at dito’y idinawit rin ang mga miyembro ng Gabriela.
Buwelta naman ni Brosas, dapat palawakin ang imbestigasyon sa mga kaso ng rape at pang-aabusong sekswal na kinasasangkutan ng mga ‘uniformed men’ ng gobyerno sa malalayong lugar.
“Napakaraming kaso ngayon ng mga pulis at sundalo na nang-aabuso ng kababaihan tulad na lang ng nangyari kay Catherine Camilon, Fabel Pineda, at marami pang iba. Dapat yang tutukan ng mga mambabatas,” sabi ni Brosas.
“We advise Senator Padilla to issue a genuine public apology and commit to understanding the plight of women and other marginalized sectors. Dapat maalam ang mga mababatas hinggil sa karapatang pantao, at hindi tagapagtaguyod ng maling impormasyon,” punto ni Brosas.
- Latest