^

Bansa

Labanan sa Senate 2025, mahigpit — RPMD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas ng RPMD Foundation Inc. ang independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” nationwide survey na ginanap noong July 1-10, 2024 na naglalayong tukuyin ang malalakas na kandidato sa pagka-Senador para sa darating na 2025 na halalan.

Pinangunahan ni ACT-CIS Party List Rep. Erwin Tulfo na may 63.7%, na sinundan ni dating Senate President Tito Sotto na may 61.4%. Sumunod sina Ben Tulfo at Sen. Bong Revilla Jr. na may 58.6% at 57.9%, habang nakuha ni Sen. Imee Marcos ang ikalimang puwesto (55.1%). Sina dating Pres. Rody Duterte (52.5%) at Sen. Bong Go (51.7%) ang nasa 6-7 rank.

Pasok naman sina DILG Sec. Benhur Abalos Jr. (48.6%) at Sen. Francis Tolentino (47.8%)sa 8-9 na puwesto, habang si Tingog Party List Rep. Yedda Romualdez ay nasa 10 puwesto (42.3%). Si dating Sen. Ping Lacson ay nasa 11 puwesto (38.4%), sinundan ni dating Sen. Manny Pacquiao (36.8%). Sina Sen. Pia Cayetano (35.2%), Lito Lapid (30.6%), at Bato Dela Rosa (28.4%) ay nasa 13-15 puwesto.

Ang iba pang mga kandidato na isinasaalang-alang para sa halalang 2025 ay sina Willie Ong (26.1%), Abby Binay (25.6%), Gringo Honasan (23.5%), Gibo Teodoro (21.7%), Wilbert Lee (18.4%), Kiko Pangilinan (17.3%), Baste Duterte (16.1%), Dick Gordon (15.8%), Pulong Duterte (15.3%), Franklin Drilon (15.2%), Mar Roxas (14.7%), Ted Failon (13.5%), Herbert Bautista (13.1%), Willie Revillame (12.8%), Bam Aquino (10.5%), Guillermo Eleazar (10.1%) at Dingdong Dantes (9.3%).

Ayon kay Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, ang “Boses ng Bayan” survey ay nag-aalok ng isang masiglang larawan ng mga nangungunang kandidato sa pagka-Senador, at nagpapakita ng sari-saring opinion sa pulitika sa buong Pilipinas para sa halalan 2025.

RPMD FOUNDATION INC.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with